fbpx

Dallas Mavericks, umabante na sa second round ng Westearn Semifinals

Tuluyan nang iniwan ng Dallas Mavericks ang LA Clippers sa 1st Round at umabante na sa 2nd round, matapos itong talunin sa score na 114-101, sa Game 6 noong Biyernes ng gabi, Mayo 4.

Nakakuha ng pinakamataas na puntos si Kyrie Irving na nagtala ng 30 points, 6 rebounds at nakasungkit rin ito ng 4 point play mula sa foul nung sinubukan nito na kumuha ng 3 point shot.

Nagpakitang gilas rin si Luka Doncic matapos magtala ng 28 points, 13 assists at 7 rebounds.

Nagdagdag rin sina si P.J. Washington ng 14 points, Daniel Gafford na may 13 points, habang si Dereck Lively II naman ay may 10 points at 9 rebounds.

Samantala sa pinakitang galing naman ni James Harden mula sa LA Clippers ay nagtala ito ng 16 points, 13 assists at 7 boards, na nagdala rito sa 15th all-time post season scoring list. | 📸: NBA | A.Carpio, BChannel News

About Author