fbpx

Lalaki, Patay matapos mahulog sa ikatlong palapag ng gusali sa Tanauan City, Batangas

Nasawi ang isang lalaki matapos umanong aksidente na mahulog sa ikatlong palapag sa Tanauan City Batangas, pasado alas 8 ng umaga nitong Martes, Mayo 8.

Batay sa imbestigasyon ng Tanauan City Police Station, kukunin lang umano ng biktima na kinilalang si Ryan Paquit, ang pinatuyo nilang door matt sa 3rd floor, ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na lamang bumigay ang manipis na bakal at gypsum board na kanyang tinapakan na nagresulta sa kanyang pagbagsak sa ground floor.

Agad namang dinala ang biktima sa pinakamalapit na hospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay. | A.Carpio, BChannel News

About Author