fbpx

3-araw na tigil-pasada muling ikakasa ng Manibela

Magsasagawa ang transport group na Manibela ng tigil-pasada mula Miyerkules, August 14 hanggang Biyernes, August 16, bilang protesta sa pagsuporta ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Manibela Head Mar Valbuena, hindi pa umano natutugunan ng administrasyon ang ilang concerns sa mga alituntunin ng pagpapatupad nito.

“Sa susunod na linggo, magkakasa kami ng transport strike simula August 14 hanggang 16 sa susunod na linggo,” saad ni Valbuena sa ginanap na press conference nitong Huwebes, August 8.

“Hindi ho kami nananakot, sa susunod na Miyerkules, kung wala pong malinaw na direktiba galing sa Malacañang, sa DOTR, [at] LTFRB kung papaano itong minorya na natitira– strike po kami ng Miyerkules, Huwebes, Biyernes,” dagdag niya.

Matatandaang nag-anunsyo ang Pangulo nitong Miyerkules, na itutuloy ng gobyerno ang pagpapatupad ng programa sa kabila ng panawagan ng Senado na isuspende ang pagpapatupad nito hanggang sa matugunan ang lahat ng alalahanin ng mga jeepney driver at operator.

Aniya, majority sa mga pampublikong sasakyan ay nakapagconsolidate na.

“Those that have been objective or asking out for suspension are in the minority, 80% have already consolidated. So, paano naman if yung 20% ang magdedecide sa buhay ng 100%?… Pakinggan natin yung majority, at ang majority sinasabi ay ituloy natin.” saad ni Marcos.

Bilang tugon, nanawagan naman si Valbuena na dapat tignan din ng Pangulo ang kalagayan ng minorya.

“Dapat hindi po tayo namimili ng kakampihan, dapat gumitna po tayo mahal na pangulo,” dagdag pa nito. | D. Rupan, BChannel News

About Author