fbpx

Higit P300,000 na halaga ng gadgets at pera, natangay sa isang bahay sa San Pascual, Batangas

yellow crime tape against police car

Pinasok ng kawatan ang isang bahay sa Barangay Bayanan, San Pascual, Batangas pasado alas-tres ng madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napansin umano ng may-ari ng bahay na nakabukas ang pinto ng kanilang master’s bedroom na nasa ikalawang palapag. Nang tiyakin kung may tao sa loob ay dito na niya nadiskubreng nawawala ang ilan sa kanilang mga ari-arian.

Dagdag pa rito, napag-alamang dumaan ang akyat-bahay sa bintana sa harap ng bahay nang subukan nitong nakawin ang mga gamit at pera. Nang makuha na ang pakay ay doon rin ito dumaan para agad na tumakas.

Nalimas ng kawatan ang bag ng biktima na naglalaman ng humigit kumulang P 200,000.00 cash at ilang IDs at 2 cellphone na aabot naman sa P 90,000.00.

Samantala, patuloy namang gumugulong ang imbestigasyon ng kapulisan para matukoy ang salarin sa insidente. | D. Ilagan, BChannel News

About Author