Patay ang isang 33-anyos na ginang matapos mag suicide sa loob ng kanyang tahanan sa Sunshine Ville, Brgy. Cabuco Trece Martires City, Cavite.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Trece Martires Police Station, nadiskubre ang katawan ng biktima bandang ala-6 ng gabi ng kanyang kapatid, na naka bitin gamit ang isang cable wire na nakapulupot sa leeg nito at wala nang buhay.
Ayon pa report, ang ginang ay dumaranas umano ng depresyon na sanhi ng dinadamang sakit na asthma at goiter na posible ring nag udyok sa pagpapakamatay ng biktima.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente.