Natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang lalaki sa madamong bahagi ng barangay Road sa Bry. San Isidro, Candelaria, Quezon nitong Martes ng gabi.
Ayon sa report ng MPS Candelaria, natagpuan ang bangkay sa madamong bahagi ng Barangay road na nakatali ang dalawang kamay gamit ang iron wire.
Nakasuot ito ng kulay itim na t-shirt, black na shorts, at may tattoo na SAMAN sa kanang kamay at DIVIL GIN sa kaliwang balikat at tila nasa edad 30-40 anyos.
Sa isinagawang ocular inspection, isang cartridge case ng 9mm na bala ang natagpuan ng mga awtoridad sa crime scene.
Samantala, patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang naging motibo sa pagpatay. Nakipag ugnayan na rin ang lokal na awtoridad sa SOCO para sa imbestigasyon ng nasabing krimen.