Nadiskubreng nakasilid sa isang sako ang bangkay ng isang batang babae sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal nitong Biyernes ng madaling araw, Setyembre 13.
Ayon sa imbestigasyon ng Taytay Police, isang residente ang nakakita umano sa iniwan na kulay blue na sako na tila may nakasilid na kahina-hinalang bagay.
Agad naman niya itong ini-report sa mga mga awtoridad na nagpapatrol sa lugar at doon tumambad ang bangkay ng batang babae.
Samantala, kinumpirma naman ng ina ng bata na ang biktima ay ang kaniyang 8 taong gulang na anak, na napaulat na nawawala kamakailan lang sa Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga aawtoridad ang pangyayari sa nasabing krimen. | D. Rupan, BChannel News