Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa 8-anyos na nawawalang bata na isinilid sa sako at itinapon, noong sabado, September 14.
Batay sa report ng Rizal PPO, nadakip umano ang suspek na kinilalang si Jaalmani Tapsil, kapitbahay ng biktima, sa kanya mismong tahanan bandang ala-diyes ng gabi nitong Sabado matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Kasalukuyan pa ring inaantay ng mga awtoridad ang resulta ng autopsy sa bangkay ng bata bago pormal na sampahan ng mga karampatang kaso ang suspek. Tinitingnan din ng mga pulis ang angulong rape dahil posibleng nagahasa umano ang bata bago paslangin.
Samantala, nagtungo naman sa burol ng biktima si DILG Benhur Abalus para personal na makiramay sa pamilya at kaanak ng bata. |📷:Rizal PPO/FB, BChannel News