Naglabas ng bagong wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Calabarzon at Central Visayas ngayong Lunes, Setyembre 16.
Ibig sabihin may dagdag na P21 hanggang P75 kada araw na bayad para sa mga manggagawa sa Calabarzon at P33 hanggang P43 kada araw sa Central Visayas.
Dahil sa dagdag-sweldo magiging P425-P560 na arawang sweldo ang CALABARZON, habang sa Central Visayas naman ay magiging P453-P501
Huling nagkaroon ng wage hike ang Calabarzon ay noong Setyembre 2023 kung saan nabigyan sila ng mula P35 hanggang P50 na dagdag sa daily minimum wage.
Ang nasabing kautusan ay mula kay Pangulong Bongbong Marcos matapos dumalo ito sa pagdiriwang ng Labor Day noong Mayo.
Epektibo sa September 30 ang bagong minimum wage para sa CALABARZON habang October 2 naman sa Central Visayas.