Karumal-dumal ang sinapit ng isang dating beauty queen matapos katayin ng kanyang asawa, kung saan nilagay at dinurog sa blender ang tsinap-chop na katawan nito saka tinunaw sa isang uri ng chemical.
Ayon sa ulat, nangyari umano ang krimen noong February 13, 2024 kung saan sinakal ng asawa hanggang sa mamatay ang biktimang si Kristina Joksimovic, 38-anyos, at isang modelo sa bansang Switzerland.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang murder trial sa suspek, matapos ibinasura nga ng korte ang kanyang apela na pansamantalang makalaya mula sa kustodiya ng Basel-Landschaft Coercive Measures Court.
Inamin umano ng asawa ng biktima sa public prosecutors ang nagawang krimen.
Lumalabas naman sa autopsy report, positibong sinakal ang biktima at dinurog ang katawan sa isang laundry room.