Patay ang isang lalaki nang mauwi sa pamamaril ang isang alitan sa Brgy. 6, Balayan, Batangas nitong Lunes ng umaga.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Balayan Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang si alyas Edgard at ang suspek na si alyas Ferdie.
Pinaputukan ng suspek ang biktima gamit ang isang baril.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo patungong Barangay Gumamela, Balayan, Batangas.
Isinugod naman sa Hospital ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng awtoridad ang motibo sa pamamaril at ang posibleng kinaroroonan ng suspek.