fbpx

Singil sa kuryente ng Batelec I, bababa ngayong Oktubre

Magandang balita ang hatid ng Batelec I para sa mga residente ng Batangas ngayong Oktubre 2024.

Ayon sa kanilang pinakahuling anunsyo, bumaba ng P1.5492 per kilowatt-hour (kWh) ang residential power rate.

Ang pagbaba ay pangunahing sanhi ng P1.1554 na bawas sa generation charge, na siyang pinakamalaking porsyento ng bill ng mga konsyumer.

Kasama rin sa bawas ang ibang singil na ipinag-uutos ng batas, kabilang ang system loss charge na bumaba ng P0.1796, at lifeline rate subsidy na may pagbaba ng P0.0001.

Sa buwis, may P0.1315 na bawas sa porsyento na napupunta sa Bureau of Internal Revenue (BIR), habang ang transmission charge na napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay bumaba ng P0.0826.

Ang pagbaba ng mga singil na ito ay bunga ng mas mababang generation costs ngayong buwan, gayundin ang mas maayos na pagpapatakbo sa transmission at mas mababang system losses.

About Author