Pumutok muli ang bulkan sa Reykjanes peninsula, malapit sa kabisera ng Iceland, nitong Miyerkules, ayon sa meteorological office ng bansa.
Ito ang ika-sampung pagsabog sa loob ng tatlong taon, naglabas ng lava at usok ngunit hindi nagdulot ng malaking pinsala.
Ang Reykjanes peninsula, na aktibo mula 2021 matapos ang 800 taong pagtahimik, ay muling nagdaranas ng sunod-sunod na pagsabog.
Bagamat hindi apektado ang Reykjavik, nananatiling banta ang lava flow sa kalapit na bayan ng Grindavik, na halos wala nang nakatira matapos ang evacuation noong Disyembre 2023. | Reuters