Arestado ang maglive-in partner matapos pagtatagain ang tatlong katao sa Santo Niño Compound , Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna nitong Lunes (November 25, 2024).
Ayon sa report ng Laguna P[olice Station, nakatanggap umano sila ng ulat hinggil sa nangyareng krimen. Nang kumpirmahin ng pulisya ang lokasyon ng pinangyarihan, tumambad sakanila ang mga katawan ng tatlong biktima na wala nang buhay at duguan.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Felix (64-taong gulang), alyas Vivian, at alyas Dante habang kinilala naman ang mga supek na sina alyas Anthony, 41 taong gulang, at ang kinakasama nito na si alyas Cherry, 36 taong gulang.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Calamba CCPS, bago mangyari ang krimen, isang saksi ang nakakita umano sa mga biktima kasama ang isa sa mga suspek na nag iinuman pa sa labas ng isang barung barong. Makalipas ang ilang sandali, naganap ang pananaga na nagresulta naman sa agarang pagkamatay ng tatlong biktima.
Bukod dito, lumabas din sa imbestigasyon na ilang araw bago umano mangyari ang pananaga, nagkaroon na umano ng komprontasyon sa pagitan ng suspek na si alyas Anthony at biktimang si alyas Dante matapos mapagalamang mayroong relasyon ang kinakasama nitong si alyas Cherry at ang biktima.
Natagpuan ang mga bangkay sa iba’t ibang lugar sa bahay: si Felix sa lupa, si Vivian sa kama, at si Dante sa monoblock sofa.
Sa ngayon, nasa kostodiya na ng pulisya ang mga arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa dalawang suspek. | BChannel