fbpx

Bangkay ng Lalaki Natagpuan sa San Juan River, Sto. Tomas City, Batangas

Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa San Juan River sa Barangay Santiago, Sto. Tomas City noong Martes ng umaga, Nobyembre 26.

Ayon sa Sto. Tomas City Police Station (CCPS), isang residente na papaligo sa ilog ang nakadiskubre ng katawan ng lalaki na nakalubog sa tubig. Agad siyang tumawag ng tulong mula sa mga opisyal ng barangay na nag-ulat sa mga awtoridad.

Sa paunang ulat ng pulisya, ang biktima ay tinatayang nasa edad 50 hanggang 60 taong gulang, may taas na 5 talampakan hanggang 5 talampakan at 5 pulgada. Wala pang malinaw na impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima at sa sanhi ng kanyang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at iba pang kaukulang ahensya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang mga posibleng dahilan ng insidente.

About Author