fbpx

Chat Logs at Video, Maaaring Gamitin bilang Ebidensya – Korte Suprema

Pinagtibay ng Korte Suprema na maaaring gamitin bilang ebidensya sa mga kasong kriminal ang chat logs at video, at hindi ito paglabag sa right to privacy ng akusado.

Sa desisyon ni Associate Justice Mario V. Lopez, napatunayang guilty si Eul Vincent O. Rodriguez sa kasong qualified trafficking in persons sa ilalim ng Anti-Trafficking of Persons Act.

Si Rodriguez ay sinentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong at multang P2 milyon matapos ang isang entrapment operation noong 2014, kung saan inalok niya ang isang 14-anyos na biktima para sa live na malalaswang palabas.

Ayon sa Korte Suprema, ang mga ebidensyang nakalap mula sa mga chat logs at video ay lehitimo at hindi lumalabag sa Data Privacy Act of 2012, dahil ito ay ginamit upang patunayan ang kriminal na pananagutan ni Rodriguez.

Pinakita rin ng mga ebidensya ang pakikipag-ugnayan niya sa mga dayuhan para sa sekswal na pananamantala ng mga menor de edad.

Nilinaw din ng korte na pinapayagan ng Data Privacy Act of 2012 ang pagproseso ng sensitibong personal na impormasyon upang matukoy ang pananagutang kriminal ng isang tao. | BChannel NEWS

About Author