Tatlong boy scouts ang naiulat na nasawi matapos umano silang makuryente sa isang camping site sa Abong-Abong, Zamboanga City nitong Huwebes.
Ayon sa inisyal na ulat ng barangay officials at ng pulisya, aksidente umanong sumabit ang binubuhat na mga gamit ng mga biktima para sa kanilang tents sa isang nakalaylay na kawad ng kuryente.
Kaagad na isinugod sa ospital ang hindi bababa sa 13 estudyanteng nadamay sa insidente. Sa kasamaang-palad, tatlo sa kanila ang napuruhan at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at ng Zamboanga City government upang alamin ang mga detalyeng nakapalibot sa insidente.