fbpx

Lalaki Patay sa Pamamaril sa San Pablo City, Laguna

yellow crime tape against police car

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Purok 5, Barangay San Isidro, San Pablo City, Laguna, nitong Lunes, Enero 6, bandang alas-2:50 ng hapon.

Ayon sa ulat ng San Pablo Police, kinilala ang biktima sa alyas na “Florante,” residente ng nasabing barangay. Binaril siya sa noo habang nasa isang motorshop upang ipaayos ang kanyang motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin mula sa pinangyarihan ng krimen.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng pulisya ang follow-up investigation, hot pursuit operations, at dragnet operations. Ginagamit din ang mga kuha ng CCTV upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Iniimbestigahan pa ang posibleng motibo sa likod ng pamamaslang.

About Author