Nagpahayag ng buong suporta ang TV and film personality na si Vice Ganda, sa Angkasangga Partylist at sa kanilang adbokasiya para sa kapakanan ng mga breadwinner, lalo na sa sektor ng mga manggagawang hindi pormal ang trabaho.

Ang pahayag ay ibinigay ni Vice Ganda sa isang rally na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Maynila, kung saan dumalo ang 4,000 katao.
Pinuri ni Vice Ganda ang First Nominee ng Angkasangga, si George Royeca, ang CEO ng Angkas, sa kanyang walang sawang dedikasyon sa pag-aalaga at pagprotekta sa mga manggagawa ng bansa.
Sa kanyang talumpati, muling pinagtibay ni Royeca ang kanyang pangako na maghahatid ng mga benepisyo sa mga breadwinner ng Maynila sa pamamagitan ng kanyang kandidatura sa Kongreso.
Ayon kay Royeca, kahit hindi pormal na empleyado, basta breadwinner, dapat may benepisyo mula sa gobyerno. At sinugurado nito na maisasabatas.
Hindi lamang ang mga breadwinner ang binibigyan ng pansin ng Angkasangga, kundi pati na rin ang mga isyu na may kinalaman sa pampublikong transportasyon, paglikha ng trabaho, at proteksyon ng mga manggagawa.
Habang nangunguna sa takilya ng Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Vice Ganda, kamakailan lamang ay inimbitahan niya si dating Vice President Leni Robredo sa isang special screening ng kanyang MMFF entry sa Gateway Mall, Quezon City.
Pagkatapos ng pelikula, inihalintulad ni Vice Ganda ang kanyang karakter kay Robredo, na inilarawan niya bilang isang hindi napapahalagahang “breadwinner.”
Ang suporta ni Vice Ganda sa Angkasangga Partylist ay nagpapakita ng kanyang malasakit sa mga mamamayan, lalo na sa mga hindi formal na manggagawa, at ang kanyang layunin na patuloy na itaguyod ang mga hakbang para sa kanilang kapakanan.