fbpx

Bangkay ng Babae Natagpuan sa Nasugbu, Batangas

crime scene do not cross signage

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa Barangay Lumbangan, Nasugbu, Batangas, bandang alas-4:30 ng umaga noong Enero 9, 2025.

Ayon sa ulat mula kay June, ang Chief Tanod ng Barangay Lumbangan, nakatanggap sila ng tawag mula kay Brgy. Kagawad Ariel ng Barangay Cogunan, Nasugbu, na nagsabing nakita niyang nakahandusay ang isang bangkay sa tabi ng kalsada malapit sa Lumbangan National High School.

Sa inisyal na imbestigasyon, iniulat ni Kagawad Ariel na habang papunta siya sa Nasugbu Town Proper upang samahan ang kanyang anak na magtatrabaho sa isang fast food sa Nasugbu, nakita niya ang katawan ng babae na may sugat sa ulo at may dugo na tumutulo mula sa kanyang leeg. Mayroon ding sugat sa kanang bahagi ng kanyang tiyan.

Ang mga awtoridad ay nagsagawa na ng follow-up na operasyon at patuloy na nire-review ang mga CCTV footage upang makilala ang posibleng suspek sa insidente.

Ang biktima ay nakilalang si “Alias Jessa.” | BChannel NEWS

About Author