Mas pinatibay ng Wendy’s Philippines ang presensya nito sa bansa matapos itong magbukas ng bagong branch sa Diversion Road, Brgy. Balagtas, Batangas City noong December 23, 2024.

Tampok sa bagong branch ang modernong disenyo na akma sa kasalukuyang panahon at mas pinahusay na menu na naglalaman ng paborito ng marami, tulad ng kanilang fresh salads, baked potatoes, at signature hamburgers.

Bukod dito, may drive-thru rin ang tindahan upang magbigay ng mas mabilis at maginhawang serbisyo sa mga customer.
Ang Wendy’s, na unang nagbukas sa Pilipinas noong 1983 sa ilalim ng Wenphil Corp., ay kilala sa pagbibigay ng masustansiya at de-kalidad na pagkain.

Matatandaang inanunsyo ng EIGHT8ATE Holdings, Inc., ang kumpanyang may hawak din ng Conti’s restaurant brand, karamihan sa mga bagong branch ng Wendy’s ay nakatakdang buksan sa ikaapat na quarter ng taon.

Sa pagtatapos ng ikaapat na quarter, inaasahang aabot sa mahigit 80 ang kabuuang bilang ng mga branch ng Wendy’s sa bansa.
Samantala, sa buong mundo, may humigit-kumulang 6,700 branches ang fast-food chain na ito sa 30 bansa.

Ang pagbubukas ng bagong branch na ito ay patunay ng dedikasyon ng Wendy’s sa patuloy na paglilingkod at pagpapalago ng kanilang negosyo sa Pilipinas. | BChannel NEWS | JPamintuan