fbpx

Coco Martin, Dumalaw sa Tanauan City para sa Sari-Sari Store Tour ng San Miguel Pale Pilsen

Tanauan City, Batangas — Dumayo ang “Batang San Miguel” na si Coco Martin sa Tanauan City para sa San Miguel Pale Pilsen Idol Sari-Sari Store Tour. Ang sikat na aktor at brand ambassador ng San Miguel Pale Pilsen ay bumisita sa mga sari-sari store sa Barangay Banjo East upang personal na pasalamatan ang mga tindahang sumusuporta sa iconic na beer brand.

Ani Coco, “Napakasarap sa pakiramdam na personal na makapagpasalamat sa ating mga kababayan.”

Layunin ng kampanya na kilalanin ang kontribusyon ng sari-sari stores bilang pangunahing sales channel ng San Miguel Pale Pilsen.

Matatandaang huling nagsagawa si Coco ng ganitong aktibidad sa Quezon City noong Oktubre 2023, kung saan lubos niyang ikinatuwa ang direktang pakikisalamuha sa mga tao.

Ang Sari-Sari Store Tour ay patunay ng dedikasyon ng San Miguel Pale Pilsen sa pagpapahalaga sa kanilang loyal customers at pagpapakita ng suporta sa mga lokal na negosyo.

About Author