fbpx

Bangkay ng isang lalaki natagpuan sa Cabuyao, Laguna

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na may saksak sa likod ang natagpuan sa harap ng INFARMCO, Brgy. San Isidro, Cabuyao, Laguna, noong Enero 22, 2025.

Ayon sa ulat ng Cabuyao Police, natuklasan ang bangkay bandang alas-6:00 ng umaga at nai-report sa kanila alas-10:30 ng parehong araw.

Ayon sa isang saksi, habang nangunguha ito ng pananim, nakita nito ang katawan na nakahandusay sa kalsada at agad humingi ng tulong sa barangay tanod.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad 30-35, 5’2″ ang taas, nakasuot ng pulang T-shirt, itim na shorts, at itim na sapatos. Natagpuan sa likod ng kanyang katawan ang isang sugat na dulot ng saksak.

Patuloy ang imbestigasyon, at wala pang pagkakakilanlan sa biktima at sa salarin. | BChannel NEWS

About Author