Isang aksidente ang naganap sa Corazon C. Aquino Ave, Brgy. Prinza, Teresa, Rizal nitong Miyerkules ng umaga, Enero, 22.
Ayon sa ulat ng Teresa Police Station at sa salaysay ng ama ng biktima, si alyas Ronaldo, ang anak niyang si alyas Mark Ivan ay nagmamaneho ng motorsiklo mula Antipolo patungong Morong nang aksidenteng mabangga sa isang pader o poste.
Dahil sa insidente, agad nasawi ang biktima habang ang motorsiklo nito ay nagtamo ng pinsala. | BChannel NEWS