fbpx

Isang lalaki binaril at napatay sa Dasmariñas City, Cavite

crime scene do not cross signage

Isang lalaki ang binaril at napatay sa Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite, bandang 10:22 PM noong Enero 22, 2025.

Ayon sa Dasmariñas Component City Police Station, natanggap nila ang ulat mula sa SWAT Motorcycle Unit bandang 11:00 PM.

Batay sa imbestigasyon, ang biktima na si alyas Junifer ay dumating sa lugar kasama ang dalawang lalaki na nagsilbing lookout.

Habang nasa kubo, bigla siyang binaril ng isang lalaking naka-itim na jacket at shorts. Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo.

Matapos ang insidente, tumakas ang tatlong suspek papuntang Barangay San Manuel.

Napag-alaman na ang isang suspek na lalaki ay naka-itim na jacket, itim na shorts, itim na sombrero, habang naka-puting tsinelas ang isa kung saan naka-itim na helmet, gray na jacket, itim na shorts, at puting tsinelas; at ang isa pang lalaki ay naka-suot ng puting sando, black shorts, at black slippers.

Patuloy ang imbestigasyon upang makilala ang mga suspek. | BChannel NEWS

About Author