fbpx

Rider, Patay sa Karerahan sa MARILAQUE Highway

Patay ang isang rider matapos makipagkarera sa kapwa rider sa MARILAQUE Highway, Rizal.

Sa video mula sa Tanay PNP, makikitang nag-ala-Superman ang dalawang rider, alyas Motopush at alyas Recs, ngunit nagkasagian at nawalan ng kontrol.

Bumangga ang dalawa sa concrete barrier, at sugatan din ang ilang nasa tabing kalsada. Patuloy namang nagpapagaling si alyas Recs.

Nagpaalala ang Rizal PNP at Highway Patrol Team na maging responsable sa pagmamaneho at tandaan na ang highway ay hindi race track.

Dagdag pa rito, pinaigting ang police visibility sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.

About Author