Isang 24-anyos na lalaki ang sugatan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog sa isang barung-barong sa Sitio Taguisan 4, Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City, nitong Marso 24, 2025.
Ayon sa ulat ng Antipolo City Police Station (CCPS), bandang 1:30 AM, natutulog ang biktima na kinilalang si Verben matapos ang isang inuman nang pagbabarilin ito gamit ang hindi matukoy na kalibre ng baril. Nagtamo siya ng mga sugat sa magkabilang binti dahil sa tama ng bala.
Bandang 4:05 PM ng parehong araw, personal na nagtungo sa PCP2 Antipolo CCPS ang kapatid ng biktima na si alyas Harold upang iulat ang insidente.
Sa imbestigasyon, napag-alamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at isang alyas Mcleary habang nag-iinuman bago ang pamamaril.
Isinugod ng mga kaanak ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Sta. Cruz, Manila para sa agarang lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at malaman ang motibo sa krimen. | BChannel NEWS