Pinuri ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil ang matagumpay na pagbawas ng 18.4% sa focus crimes sa nakalipas na 70 araw, ayon sa datos na tinalakay sa Command Conference nitong Marso 25, 2025.
Mula 8,950 kaso noong Nobyembre 3, 2024 – Enero 11, 2025, bumaba ito sa 7,301 kaso mula Enero 12 – Marso 22, 2025. Kabilang sa mga pangunahing bumabang krimen ay murder (1,535 sa 1,243), homicide (1,341 sa 1,021), at physical injury (1,002 sa 663). Bumaba rin ang kaso ng rape at theft, habang nanatiling halos pareho ang insidente ng carnapping.
Pinakamalaking pagbaba ng crime rate ay naitala sa NCR, PRO 4A, at PRO 7. Samantala, ang PRO 13 ang may pinakamalaking pagbaba sa Average Monthly Index Crime Rate (AMICR).
Binigyang-diin din ni Marbil ang pagiging non-partisan ng PNP at hinikayat ang mga pulis na magpatuloy sa pagseserbisyo nang may integridad. Kasama sa napag-usapan sa pulong ang paghahanda para sa 2025 elections at iba pang usapin sa kapayapaan at kaayusan.
Nanatiling nakatuon ang PNP sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng publiko sa pamamagitan ng mas pinahusay na operasyon at pakikipagtulungan sa komunidad. | BChannel NEWS