Sinuri ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) CALABARZON, sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON, ang Taal Volcano Island sa Batangas ngayong Abril 3, 2025, upang tingnan ang pinsalang dulot ng naganap na grassfire noong Abril 1.
Kasama sa aerial inspection sina OCD CALABARZON officers Rowelyn Cansicio at Mark Rafael Sasutona, Batangas Provincial Officer Dr. Amor Calayan, at mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), DOST-PHIVOLCS, at Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON.
Ang 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force ang nagbigay ng suporta para sa operasyon.
Matapos ang inspeksyon, nagsagawa ng closeout meeting ang mga opisyal upang pag-usapan ang mga rekomendasyon para sa susunod na hakbang.
Samantala, muling ipinaalala ni RDRRMC CALABARZON Chairperson Carlos Eduardo Alvarez III ang pagbabawal sa paninirahan sa isla alinsunod sa mga regulasyong pangkalikasan at pangkaligtasan.
Pinapaalalahanan ang publiko na manatiling alisto at sumunod sa mga kautusan upang maiwasan ang anumang panganib sa Taal Volcano Island. | BChannel NEWS