Pinalawig hanggang Abril 25 ang deadline ng aplikasyon para sa mga nurse at certified careworker na nais magtrabaho sa Japan sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA), ayon sa abiso ng Japanese Embassy nitong Biyernes.
Ang Department of Migrant Workers (DMW), katuwang ang Japan International Corporation of Welfare Services, ay tumatanggap ng aplikasyon para sa 50 nurse (Kangoshi) at 300 careworker (Kaigofukushishi) positions.
Sasailalim ang mga matatanggap na aplikante sa libreng Japanese language training ng anim na buwan sa Pilipinas at anim na buwan sa Japan, bago magsimula ng tatlo hanggang apat na taong kontrata sa mga ospital at care facilities sa Japan.
May kasamang daily living allowance habang nasa training. Hinihikayat ding kumuha ng Japanese license ang mga aplikante para sa mas mahabang pananatili sa trabaho sa Japan.
Para sa detalye ng aplikasyon, bisitahin ang: https://dmw.gov.ph/resources/dsms/DMW/Externals/2025/RSF-250003-A-2025.pdf | BChannel NEWS