Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa Daraitan River sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal bandang alas-6 ng hapon nitong Abril 6, 2025.
Batay sa ulat mula sa Tanay Municipal Police Station (MPS), personal na nagtungo sa himpilan ang kapatid ng biktima bandang alas-11 ng gabi upang iulat ang insidente. Ayon sa kanya, lasing umano ang biktima bago mangyari ang insidente.
Ayon pa sa paunang imbestigasyon, nakita ng mga turista sa lugar ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog. Sinubukan pa itong i-revive ngunit wala na itong mga palatandaan ng buhay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye kaugnay ng insidente. | BChannel NEWS