Isang bangkay ng sanggol ang natagpuan sa loob ng palikuran ng isang gasolinahan sa Brgy. Maytalang Uno, Lumban Laguna.
Dakong 9:30 ng umaga nitong Abril 6, isang tawag ang natanggap ng Lumban Municipal Police Station mula sa Uno Fuel Gas Station ukol sa pagkakadiskubre ng isang patay na sanggol, tinatayang nasa walong buwang gulang na fetus, sa loob ng inidoro ng kanilang comfort room.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, isang supervisor ng gasolinahan na kinilalang si “Ermie” ang nakadiskubre sa fetus habang siya ay nasa loob ng palikuran. Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa mga awtoridad.
Ang sanggol ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Rural Health Unit (RHU) ng Lumban at inaasahang dadalhin sa Lumban Parish Church upang bendisyunan bago ilibing sa pampublikong sementeryo ng bayan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad. Kabilang ang pagsusuri sa mga CCTV footage ng establisyemento upang matukoy ang posibleng may kinalaman sa insidente. | BChannel NEWS