Inutusan ng Comelec Anti-Discrimination Task Force si Batangas Vice Mayor Jay Manalo Ilagan na magpaliwanag hinggil sa kanyang pahayag laban kay Vilma Santos-Recto sa isang kampanya noong Marso 29, 2025.
Ayon sa Comelec, ang pahayag ni Ilagan na nagsasabing “laos na” si Santos-Recto ay maaaring lumabag sa mga alituntunin ng fair campaigning at anti-discrimination guidelines.
Itinuturing itong posibleng paglabag sa Republic Act 9710 (Magna Carta of Women) at RA 11313 (Safe Spaces Act).
Inatasan si Ilagan na magsumite ng paliwanag sa loob ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng Show Cause Order. Ang hindi pagsunod sa utos ay maaaring magresulta sa kaso laban sa kanya. | BChannel NEWS