Muling nag-uwi ng karangalan sa bansa ang isang estudyanteng Grade 6 student na si Sean Raffaele Plata, matapos magwagi bilang Diamond Awardee at First Runner-up sa Global English Language Olympiad (GELO) Southeast Asia International Round 2025.

Ang prestihiyosong kompetisyon ay ginanap sa Incheon, South Korea mula Abril 2 hanggang 5, 2025.
Nagpakita ng kahusayan si Sean sa kabila ng matinding kompetisyon mula sa iba’t ibang bansa, at ipinamalas ang kanyang mataas na antas ng kasanayan sa wika sa pamamagitan ng pagsagot sa mga mahihirap na pagsubok sa English language.
Dahil dito, nakamit niya ang mga prestihiyosong titulong Diamond Awardee at First Runner-up.

Pinasalamatan ni Sean ang kanyang mga guro, pamilya, at ang buong Stonyhurst Southville International School- Batangas community sa kanilang walang sawang suporta at gabay na naging daan sa kanyang tagumpay.
Ang kanyang pagkapanalo ay patunay ng dedikasyon at sipag sa pag-aaral, at nagsisilbing inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral ng paaralan. | BChannel NEWS