Nakikiisa si Senadora Loren Legarda sa pagdiriwang ng Earth Month ngayong Abril sa pamamagitan ng panibagong panawagan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagkilos laban sa climate change.
Binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagkilos at paglipat sa renewable energy, kasabay ng temang “Our Power, Our Planet” ng International Mother Earth Day 2025.
Ayon sa senadora, “Bawat maliit na hakbang ay mahalaga,” at hinimok ang publiko na isabuhay ang mga makakalikasan at sustenableng gawain lalo na ngayong tag-init.
Kilala si Legarda sa pagsusulong ng mga batas gaya ng Climate Change Act at Ecological Solid Waste Management Act na patuloy na tumutugon sa mga hamon ng klima at kalikasan sa bansa.