Maraming netizens ang naging emosyonal sa tagpo na naganap sa labas ng kulungan sa Santiago, Agusan del Norte, matapos ipakita ng isang limang taong gulang na batang babae ang kanyang graduation gown sa kanyang inang nakakulong.
Ang ina, 27-anyos, ay nasa likod ng mga rehas sa Cabadbaran City Jail sa loob ng 10 buwan dahil sa pagkakasangkot sa isang drug-related raid, kahit hindi siya ang target.
Dahil sa kakulangan ng pera para sa pang-celebrate na pagkain, hindi sila nakapasok sa kulungan at sa halip ay sa labas ng bintana lang nag-usap ang mag-ina.
Inabot ng ina ang kamay sa pagitan ng rehas mula sa ikalawang palapag habang nakasuot ng toga ang kanyang anak sa ibaba.
Ibinahagi ng tiyahin ang video sa kanyang social media na si relyn egos, na siyang nag-aalaga sa bata, noong Abril 8, 2025. | BChannel NEWS