Pumanaw na si Pilita Corrales, kilalang “Asia’s Queen of Songs,” sa edad na 85 nitong Sabado.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi ng kanyang apo na si Janine Gutierrez sa social media.
“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved Mami and Mamita, Pilita Corrales,” ani Janine. “She will be remembered not only for her music, but for her kindness, generosity, and love for life and family.”
Hindi pa ibinunyag ang sanhi ng kanyang pagpanaw. Ayon kay Janine, iaanunsyo pa ang detalye ng memorial service. | BChannel NEWS