Isang 64-anyos na lalaki ang nasawi matapos masagasaan ng isang sasakyan habang tumatawid sa Brgy. Silangang Palale, Tayabas City, bandang 6:56 ng umaga nitong Abril 11, 2025.
Sa paunang imbestigasyon ng Tayabas City Police Station, tinatawid umano ng biktimang si Norberto ang kalsada nang aksidenteng mabundol ng isang AUV na minamaneho ni Rolando, 60 taong gulang, at residente ng Sitio Italan, Brgy. Palale, Tayabas City.
Agad na isinugod ang biktima sa Tayabas Community Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamilya ng biktima para sa karagdagang impormasyon. | BChannel NEWS