Upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ngayong Semana Santa, itinaas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Mimaropa ang heightened alert status sa lahat ng 19 bilangguan sa rehiyon.

Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo, inaasahan ang pagdagsa ng mga bisita at aktibong paglahok ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa mga aktibidad kaugnay ng Kuwaresma.
Dahil dito, kanselado ang leave ng 630 BJMP personnel sa rehiyon. Magsasagawa rin ng inspeksyon at dayalogo ang mga opisyal upang tiyakin ang kahandaan ng mga tauhan.
Iniutos ni BJMP Mimaropa Director Jail Senior Supt. Clarence Mayangao ang mahigpit na pagbabantay sa mga PDL at pagtanggap sa mga bisita.
Naka-red alert ang BJMP sa Abril 17–18, habang blue alert naman sa Abril 14–16 at Abril 19–20, 2025. Hinihikayat ang publiko na makipagtulungan at sundin ang mga alituntunin para sa mapayapang paggunita ng Semana Santa. | BChannel NEWS | 📸 BJMP MIMAROPA