Dalawa ang nasawi habang isa ang sugatan sa isang malagim na insidente ng pananaga na naganap sa Purok Gumihan, Barangay Gumian, Infanta, Quezon dakong alas-4:10 ng hapon nitong Linggo, Abril 13, 2025.
Kinilala ng Infanta Municipal Police Station (MPS), ang mga biktima na sina Julie, 40 anyos, at Domingo, 64 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Gumian. Parehong idineklara nang dead on arrival sa ospital matapos magtamo ng mga malalalim na sugat sa mukha.
Ang suspek na si Jonei, 40 anyos, ay nagtamo rin ng sugat sa leeg na hinihinalang sanhi ng tangkang pagpapakamatay matapos ang krimen. Siya ay kasalukuyang nasa kritikal ang kondisyon.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang tunay na motibo sa likod ng krimen. | BChannel NEWS