Isang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Paliparan 1 bandang 1:40 AM nitong Abril 14, 2025.
Kinilala ang biktima bilang si Darwin na noon ay sakay ng kanyang motorsiklo nang sundan ng mga suspek.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na sakay ng motorsiklo ang biktima nang sundan siya ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo. Pagsapit sa lugar ng insidente, biglang bumunot ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril ang suspek na kinilalang si alias “Glen” at pinaputukan ng sunod-sunod ang biktima.
Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Darwin at agad na bumagsak sa kalsada. Tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril patungong Governors Drive sa parehong barangay.
Lumabas din sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng matinding pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima, matapos sitahin ni Natanauan ang isa sa mga empleyado ng suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng Dasmariñas City Police.