Arestado ang isang 41-taong gulang na babae matapos mahulihan ng hinihinalang sh*b* na itinago at isinilid sa loob ng kanyang pantalon habang bumibisita sa kanyang live-in partner na isang Person Deprived of Liberty (PDL) na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa droga sa Victorias City, Negros Occidental.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Princess” na nahuli ng isang babaeng jail officer bandang alas-2 ng hapon noong Abril 20 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Barangay 2, Victorias City.
Nasamsam mula kay Princess ang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400.
Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay nasa ilalim na ng drug monitoring list bilang isang street-level individual.
Agad siyang sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng koneksyon ng droga sa loob ng kulungan. | BChannel NEWS