Nasawi ang 19-anyos na estudyanteng lalaki matapos malunod sa dagat sa Sitio Panutsutan, Brgy. Balaytigue, Nasugbu, Batangas.
Ayon sa ulat ng Nasugbu Municipal Police Station (MPS), bandang 2:40 ng hapon noong Linggo Abril 20, 2025 nang mangyari ang insidente. Ngunit ito ay naiulat lamang sa pulisya ng ama ng biktima na si Jomar bandang 7:45 ng gabi noong Abril 22.
Batay sa salaysay ni John, kaibigan ng biktima, kasama nila ang biktima na si Justine at dalawa pang kaibigan na naliligo sa dagat na may lalim na tinatayang apat na talampakan. Sa kasagsagan ng kanilang paliligo, bigla na lamang nawala sa paningin si Justine at pinaniniwalaang nawalan ng malay dahil sa seizure. Makalipas ang humigit-kumulang 20 minuto ay natagpuan nila ang biktima at agad siyang isinugod sa Hospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Ayon sa ama ng biktima, matagal nang may epileptic condition si Justine at ilang ulit na rin umano itong inatake. | BChannel NEWS