Binigyang karangalan ng Batangas Filipino-Chinese Chamber of Commerce, Inc., ang mga top-performing na mag-aaral sa elementarya sa probinsya ng Batangas sa isinagawang “Oplan Pagpapahalaga” na idinaos noong Abril 10, 14, at 15, 2025.
Ang inisyatibang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni BFCCC President Willy Wong kung saan ilang mag-aaral na nagpamalas ng kanilang galing sa larangan ng academics mula sa tinatayang mahigit 57 Elementary schools sa Batangas ang nakatanggap ng mga medalya, Certificate of Recognition, at P2,000 cash incentives.
Kabilang sa mga paaralang binista ng ‘Oplan Pagpapahalaga’ ng BFCCCI ay ang San Miguel Elementary School, Lilinggiwan Elementary School, Alangilan Central Elementary School, Batangas East Elementary School, at Malitam Elementary School.
Bukod dito, namahagi rin ng school bags at school supplies kasama ng medalya, certificate, at cash incentives ang BFCCC para sa mga graduating students ng Alupay Elementary School sa Rosario, Batangas.
Ang “Oplan Pagpapahalaga” ay naglalayong suportahan, hikayatin at bigyan ng pagkilala ang mga natatanging mag-aaral sa ipinamalas nilang galing, talino, at walang sawang dedikasyon sa kanilang pag-aaral.
Ang programang ito ng BFCCC ay isang patunay ng kanilang matibay na paninindigan sa pagsuporta sa edukasyon ng mga Batangueñong kabataan, na itinuturing na pag-asa ng bayan.
|📷: BFCCCI | DRupan, BChannel NEWS




