Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Ilog Hanopol sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite bandang alas-7:00 ng umaga noong Abril 29.
Ayon sa ulat, isang tawag mula sa Brgy. Kaong ang natanggap ng Silang Municipal Police Station (MPS) ukol sa natagpuang bangkay.
Ayon kay Gabino, isang residente ng nasabing barangay, siya ay papunta upang kumuha ng tubig mula sa isang spring malapit sa ilog nang kanyang madiskubre ang katawan ng biktima na nakahandusay sa ibabaw ng isang bato. Agad niyang ipinaalam ang insidente sa mga opisyal ng barangay at sa Silang MPS upang magsagawa ng nararapat na aksyon.
Ang biktima ay kinilalang si Tomos, 51 taong gulang, isang magsasaka at residente ng Sitio Hanopol, Brgy. Kaong, Silang, Cavite.
Kasunod ng insidente, nag-request ang Silang MPS ng Provincial Forensic Unit para sa masusing pagsusuri ng bangkay.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at ang mga posibleng suspek. | BChannel NEWS