Patay ang isang construction worker matapos mabagsakan ng gumuhong pader ng hukay sa isang construction site sa Sitio Bigaa, Brgy. Lucsuhin, Calatagan, Batangas, bandang 1:40 ng hapon nitong Mayo 11, 2025.
Kinilala ang biktima na si Bryan Noche, 40, residente ng Brgy. Sinisian West, Lemery, Batangas.
Ayon sa kasamahang si Ricardo Morellano, nagtatrabaho sila sa revetment wall project sa Lucsuhin River, nang biglang gumuho ang humigit-kumulang 7 cubic meters ng lupa sa hukay na may lalim na 20 talampakan.
Agad nilang naiahon si Noche at dinala sa Calatagan Medicare Hospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Iniimbestigahan na ng Calatagan MPS ang insidente. | BChannel NEWS