Isang transwoman na negosyante ang personal na nagtungo sa Mabini Municipal Police Station (MPS) upang isumbong ang umano’y insidente ng panggagahasa na naganap bandang ala-1 ng madaling araw nitong Linggo Mayo 25, 2025 sa Brgy. Ligaya, Mabini, Batangas.
Dakong alas-6:00 ng umaga ng parehong araw nang magtungo sa istasyon ang biktima na 25 taong gulang, single, negosyante. Sa kanyang salaysay, sinabi niyang tinakot umano siya ng suspek na ikakalat ang kanyang hubad na video sa social media kung hindi siya pupunta sa Blue Ribbon Resort upang makipagtalik.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagdesisyon ang biktima, kasama ang isang kaibigan, na puntahan ang suspek sa nasabing resort upang makipag-usap at pakiusapan itong burahin ang video.
Ngunit pagdating sa lugar, hindi pinayagan ng security guard ang kasama ng biktima na makapasok, kaya’t siya lamang ang nagtungo sa kwarto ng suspek.
Sa loob ng silid, inabutan umano ng biktima ang suspek na naghihintay na at agad na nagpakita ng malaswang intensyon. Tinanggal nito ang kanyang shorts at underwear, saka pinilit ang biktima na isubo ang kanyang ari, ayon sa reklamo.
Ang suspek ay nakilalang si Ehrron Sy, 23 taong gulang, isang Chinese national, negosyante, at residente ng Brgy. Piña, Taysan, Batangas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek na naaresto. | BChannel NEWS