Isang grocery store ang pinasok ng magnanakaw sa Brgy. San Antonio, San Pascual, Batangas, na nadiskubre bandang alas-6:20 ng umaga nitong Mayo 26, 2025.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Pascual Municipal Police Station (MPS), natuklasan ng mga empleyado na sina Mhecel at Rodelyn na nawawala ang lahat ng sigarilyo sa rack sa counter area habang binubuksan nila ang tindahan. Napansin din nila na wasak ang bahagi ng kisame sa comfort room.
Sa isinagawang ocular inspection, lumitaw na puwersahang binuksan ng suspek ang bubong ng gusali na siyang ginamit na daan ng pagpasok at paglabas. Tinangay mula sa tindahan ang tinatayang 144 pakete ng assorted cigarettes na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P21,298.00.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang follow-up operations ng San Pascual MPS at isinasailalim na rin sa pagsusuri ang CCTV footage para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek, na sa ngayon ay hindi pa rin natutukoy.
Ang kaso ay patuloy na iniimbestigahan. | BChannel NEWS