Isang motorsiklo ang ninakawa sa harap ng isang mall sa Barangay Malinis, Lemery, Batangas nitong Linggo, Hunyo 1, 2025 bandang alas-7:00 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng Lemery Municipal Police Station (MPS), ipinarada ng biktima na si Cecilia ang kanyang Honda Beat na kulay itim at abo, may temporary plate number na D131 HD, sa harapan ng Mercury Drug sa Xentro Mall parking area, at iniwang nakasaksak ang susi.
Dakong alas-6:30 ng gabi ng parehong araw, dumating ang hindi pa nakikilalang suspek sa lugar. Makalipas ang ilang minuto, tinangay nito ang motorsiklo at agad tumakas patungong direksyon ng Taal.
Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na polo, puting panloob, khaki shorts, itim na sumbrero, at puting tsinelas.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Lemery Police upang matunton ang salarin at mabawi ang ninakaw na motorsiklo. | BChannel NEWS