Patay ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalaro ng bingo kasama ang kanyang pamilya sa Brgy. Caloocan, Talisay, Batangas bandang alas-diyes ng gabi, June 17.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Talisay Municipal Police Station, nilapitan umano ng isang lalaking naka-itim na jacket, pantalon, may hood at face mask ang biktima na si Gerald at nagtanong kung puwede siyang kumanta.
Ngunit bago pa makasagot si Gerald, bigla na lamang siyang binaril sa ulo gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin sakay ng tricycle patungong Laurel, Batangas. Agad namang humingi ng tulong ang mga awtoridad sa SOCO para sa mas malalim na imbestigasyon.
Patuloy ang hot pursuit operation para matukoy at maaresto ang salarin. | BChannel NEWS